Abante Tonite Interactive

Maersk hari ng UFC

118

Pinagpag ng Maersk FC ang Red Card FC 3-0 para sungkitin ang Primera division crown sa 6th Urban Football Challenge noong Sabado sa McKinley Hill Stadium.

Binitbit nina division MVP Jesus Cubides at Best Female Player Kristine Vinzon ang Maersk FC sa kampeonato matapos angkinin ang top spot sa double-round robin na may six wins at two losses para sa total 18 points.

Bukod sa Maersk FC at Red Card FC, kasali rin sa Primera division ang Alabuelo, Torba at Twister United.

May anim na teams naman sa Segunda division ng event na inorganisa ng Urban Football Philippines.