Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-aama nabagsakan ng puno, tatay patay

0 241

Isang ama ang nasawi habang nasugatan ang tatlo nitong anak nang mabagsakan ng nabuwal na puno sa Kidapawan City.

Ang amang nasawi ay si Edwin Bayawan habang ang anak nitong sina Jessie, 23, Jerome, 24 at Jigger, 15, pawang ng Brgy. Ilomavis, Kidapawan City ay nasugatan ngunit agad namang nadala sa ospital.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat, base na rin sa Kidapawan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), ika-10:00 ng gabi habang kasagsagan ng buhos ng ulan at mahimbing na natutulog ang mag-aama sa kanilang bahay-kubo sa paanan ng Mount Apo ay hindi namalayan ng mga ito ang biglang pagbuwal ng malaking puno na tumama sa kanilang kubo.

Minalas na naipit ang ama na siya nitong ikinasawi.

Leave A Reply

Your email address will not be published.