Abante Tonite Interactive

Mag-aamang Dayao pabida sa powerlifting

0 93

Humakot ng mga medalyang ginto sa kani-kanyang ­kategorya at tropeo para sa Best ­Lifters ang Pamilyang Dayao sa 2019 Phi­lippine National Raw Bench Press Championships nitong Nobyembre 3 sa Palacio De Maynila sa Roxas Blvd., Malate

Nanguna sa atake na si multi-record holder, multititled powerlifter Jose Dayao III tampok ang record-breaking lift 52 kilograms sa bench press tungo sa ­pangingibabaw sa boys developmental 43kg ­division at burahin ang 30kg ni Mark Larry Padullo ng University of the East noong 2014 sa Robinsons Malabon.

Ang kuya ni Jose na panganay sa magkakapatid na si Cirilo Dayao III ang namayagpag sa 59kg subjunior, habang ang father-coach nilang si Cirilo Dayao na kinakatawan din ang Team Cyber Muscle Gym ang wagi sa 83kg ­master 1.

Gold medalists at Best Lifter awardees din tulad ng mag-aamang Dayao sina John Mathew Manalang ng Quezon City High School sa 53kg men, Aeron Cassamayor sa 53kg junior, Vlademeer Sorezo ng Zest sa 93kg open & master 1, at Raymond Debuque sa 120+kg.