Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-ama binalikan module kahit bagyo, dedo

0 129

Doble dalamhati ang sinapit ng isang ginang sa Virac, Catanduanes dahil sa pagkasawi ng kanyang asawa at anak nang balikan ang kanilang tahanan para sa mga gamit sa eskwela sa kasagsagan ng bagyong ‘Rolly’.

Nakilala ang mga nasawing sina Mario Jacob, at anak na si Mecaella, na nabatid na running for cum laude. Nobyembre 2 na nang matagpuan ang mag-ama sa ilog malapit sa kanilang bahay sa Brgy. Gogon. Hawak pa umano ng anak ang kanyang module.

Sa isang panayam sa kay Liwayway, ina ni Mecaella sinabi nitong sa kabila ng pangyayari masaya na rin ito dahil magkasama ang mag-ama.

Leave A Reply

Your email address will not be published.