Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-ama binoga ng 3 kaaway

0 145

Patay ang 24-anyos na lalaki habang malubhang nasugatan ang tatay nito matapos pagbabarilin ng tatlong magkakaanak na kanilang nakaalitan sa Castilla, Sorsogon.

Agad nasawi si Jeffrey Baradia, construction worker, habang inoobserbahan pa sa pagamutan ang tatay nitong si Dante, 67, magsasaka. Kapwa sila nagtamo ng mga tama ng bala ng M16 rifle.

Sa kinasang follow-up operation ng Castilla Municipal Police, nadakip ang mga suspek na sina Zaldy Lasala Bien, 31; Oliver Ardales Lasala; at Edwin Lssala Habulan, 40.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Police Col. Arturo Brual Jr, Provincial Director ng Sorsogon Police naganap ang insidente alas-12:00 kamakalawa ng hatinggabi nang makita ni Jeffrey na pinagbabaril ng mga suspek ang kanyang ama sa harapan ng kanilang bahay sa Purok 6, Brgy. San Isidro.

Inawat niya ang mga suspek subalit pati siya ay idinamay ng mga ito sa pamamaril.

Matapos ang krimen ay umalis na ang mga suspek subalit lingid sa kanilang kaalaman ay nakita at nakilala sila ng menor de edad na miyembro ng pamilya Baradia na siyang tumestigo sa pulisya.

Personal umanong alitan ang pinag-ugatan ng krimen. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.