Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-ama nalibing nang buhay sa landslide

0 129

Patay ang mag-ama matapos matabunan ng landslide ang kanilang bahay habang nasa kasarapan ng tulog Biyernes ng madaling araw sa Naujan, Oriental Mindoro.

Kinilala ang nasawing sina Japee Festijo, 28, at anak nitong si Barro, 4, kapwa taga-Sitio Sukot, Barangay Baani ng nabatid na bayan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa inisyal na ulat ni Police Lt. Col. Imelda Tolention, tagapagsalita ng Police Regional Office 4-B (Mimaropa), naganap ang insidente alas-5:00 ng madaling araw. Nasa kasarapan ng tulog ang mag-ama nang bigla na lang magkaroon ng landslide at matabunan ang kanilang tahanan.

Umabot pa ng halos isang oras bago sila mahukay sa search and rescue operation ng awtoridad subalit parehong wala ng buhay ang mga ito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.