Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-ama ‘nanlaban’ dedo

0 84

Patay ang isang mag-ama matapos manlaban umano sa isang search warrant na ikinasa ng pulisya nitong Huwebes sa Pikit, North Cotabato.

Kinilala ang mga nasawi na si Datu Ronnie Mangansakan at anak nitong si Banji, parehong residente ng Barangay Macasandag.

Dakong alas-6:00 ng umaga, tinungo ng pulisya ang mga suspek tapos nagpaputok umano ang mag-ama kaya namaril din ang awtoridad.

SM food to go Banner Ad

Nang mapatay na ang dalawa ay narekober umano sa mga Mangansakan ang shabu na may halagang P1.3 milyon, isang M16, isang M14 at mga bala.

Ayon kay PDEA Region 12 Director Naravy Duquiatan, high value target ang dalawa sa naturang probinsya.

Naaresto rin sa operasyon sina Gutierrez Abit at Nissan Mangansakan, na pinaghihinalaang kasabwat ng mag-ama sa mga gawain patungkol sa iligal na droga. Naroon din kasi sa pinangyarihan ng insidente ang dalawa. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.