Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-ama nasagasaan ng trailer truck

0 88

Nasawi ang isang binata matapos na ang motorsiklong kinaangkasan niya na minamaneho ng kanyang ama ay natumba at nasagasaan ng kasalubong na trailer truck sa Maharlika Highway, Brgy. Sto. Cristo, Sariaya, Quezon, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si John Mark Basarte, 19, ha­bang sugatan naman ang tatay niyang retired government employee na si Gregorio Basarte, 49, mga residente ng Barangay Gen. T. De Leon, Valenzuela City.

Ayon sa police report, patungong direksiyon ng Maynila ang mag-ama sakay ng NMAX motorcycle nang mag-slide sila bandang alas-7:25 kamakalawa ng gabi.

Dumausdos ang motorsiklo patungo sa linya ng kasa­lubong kaya nasagasaan sila ng trailer truck na noon ay patungo naman sa Daraga, Albay.

SM food to go Banner Ad

Dead on-the-spot ang anak habang isinugod naman ang ama sa United Candelaria Doctors Hospital.

Samantala, naaresto ng mga pulis ang 59-anyos na driver ng nasabing trailer truck na si Rodolfo Estilon na sa hindi inaasahang pangyayari ay taga-Barangay Ugong sa Valenzuela City din.

Sasampahan si Estilon ng kasong reckless imprudence resulting to homicide, at physical injury. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.