Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-ama nirapido sa Laguna

0 496

Patay ang isang negosyante at anak nitong binate matapos na pagbabarilin sila ng dalawang hindi pa kilalang suspek sa kanilang bahay sa Famy, Laguna, Martes ng gabi.

Isinugod sa Eastern Laguna Medical Hospital subalit dineklarang dead on arrival ang biktimang si Rex Capistrano, 41-anyos, dahil sa mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Nasawi naman ang kanyang anak na si Pitt Lancel Capistrano, 22-anyos, habang nilalapatan ng lunas sa Laguna Doctor’s Hospital sa bayan ng Sta Cruz.

Batay sa report ng Famy Police Station, dahil sa brownout maghapon, lumabas lamang sa kanilang bahay sa Brgy. Banaba ang tatay upang mag-charge ng cellphone sa kanilang nakaparadang kotse sa harap ng bahay bandang alas-6:45 ng gabi.

Biglang lumapit ang nag-aabang na suspek na nakasuot ng jacket at helmet at pinagbabaril ang biktima.

Narinig ng anak ang sunod-sunod na putok sa labas, tumakbo ito upang tingnan ang ama subalit pinag-babaril din ito ng kasama ng unang suspek.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Real, Quezon.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Famy Police para malaman kung sino ang mga suspek at kung ano ang motibo sa krimen. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.