Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-ama niratrat ng 15 naka-face mask

0 469

Todas ang mag-ama matapos pagbabarilin ng may 15 armadong kalalakihang nakasuot ng face mask sa tapat ng bahay ng mga biktima, kamakalawa ng hapon sa Ermita, Maynila.

Namatay noon din ang mag-amang biktimang sina Melvin Soriano, 28; at Andrew Soriano, 45, kapwa residente ng No. 915-A San Antonio St., Ermita, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay P/Capt Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-homicide section, alas-4:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa panulukan ng San Antonio at Quirino Avenue.

Wala pang matukoy na grupo o pagkakakilanlan ng mga suspek na tumakas na lulan ng tatlong sasakyan.

Nakuha sa crime scene ang nasa 11 basyo ng mga bala mula sa iba’t ibang kalibre ng baril at isang posas na nakakabit sa kamay ng biktima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa imbestigasyon ni PSSg. Mark Daniel De Guzman ng MPD-hs, nakaupo sa labas ng bahay ang biktimang si Andrew nang sumulpot ang mga armadong suspek at habang nakatutok ang mga baril ay ipinosas ito at kinaladkad patungo sa Quirino Avenue.

Nabatid na maging ang anak nitong si Melvin ay nakitang kinakaladkad din ng mga suspek na kinuha nila sa loob ng bahay base sa kopya ng CCTV .

Nakitang nilapitan pa ng inang si Marlyn si Melvin at inaawat ang mga suspek habang inaakap ang anak upang hindi maisama ng mga suspek hanggang sa mauwi sa komosyon at bumagsak ang mag-ina.

Kasunod nito ay pinaputukan ng isa sa suspek si Melvin habang ganon din ang ginawa sa amang si Andrew bago mabilis na tumakas.

Ayon sa nakuhang impormasyon sa mga biktima, natuklasan na si Melvin ay dating naaresto sa kasong Robbery Holdup noong 2014. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.