Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-ama niratrat sa Batangas

0 139

Hindi na nakarating nang buhay sa kanilang tahanan ang isang padre de pamilya at kanyang anak na lalaki matapos na ang mga ito ay ratratin ng mga hindi nakilalang salarin habang magkaangkas sa motorsiklo sa Nasugbu, Batangas, Miyerkoles ng hapon.

Kapwa dead on the spot ang mga biktima na sina Victoriano Cupo at anak nitong si Randy Cupo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Batay sa report ng Nasugbu Police, galing sa kabayanan at papauwi na ang mag-ama sa kanilang bahay sa Brgy. Bulihan nang tambangan ito ng mga suspek na armado ng mahahabang kalibre ng baril.

Nagtamo ang mga ito ng mga tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan at hindi na nagawa pang maisugod sa ospital. Mabilis namang tumakas ang mga suspek na sumakay sa isang hindi natukoy na sasakyan na mabilis sumibad patungo sa direksyon ng Nasugbu town proper.

Blangko pa ang mga pulis sa motibo sa krimen. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.