Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-ama swak sa bentahan ng droga

0 311

Pinosasan ang isang mag-ama ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 6 nang maaktuhan sa bentahan ng shabu sa Sta.Ana,Maynila.

Kinilala ni Police Lt.Col. Christoper Luyun, station commander ng MPD-PS6, ang mga suspek na sina Ramon Padilla Jr.,19, at Ramon Padilla, 39, kapwa naninirahan sa 2350 Arellano St., Sta. Ana, Maynila.

Nabatid na dakong alas-10:35 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang MPD-PS6 at Philippine Drug Enforcement Administration (PDEA) sa harap ng bahay sa No. 2311 Pasig Line St., Brgy. 777 Zone 85, Sta. Ana, Maynila kung saan naaresto ang mag-ama.

Nakuha sa mga suspek ang P500 marked money at limang sachet ng shabu na may market value na P42,840.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Section 5 and 11 (Selling and Possession of Dangerous Drugs) Article II ng RA 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Manila Prosecutor Office ang mga suspek.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.