Abante Tonite Interactive

Mag-amang Binay tinuluyan sa P1.3B anomalya

By
1,427

Kinasuhan na sa Sandiganbayan si dating Vice President Jejomar Binay Sr. at anak na si dating Makati City ma­yor Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr. kaugnay ng P1.3 bilyong ano­malya sa pagpapatayo ng Makati Science Building.

Sa charge sheet, kinasuhan ang mag-ama ng four counts bawat isa ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at three counts bawat isa ng falsification of public documents.

Sinasabing pumasok umano ang nakakatandang Binay sa isang P17.37 mil­yon kontrata para sa architectural at engineering consultancy services sa pagitan ng Infiniti Architectural Works noong Setyembre 2007 para sa disenyo ng Makati Science Building.

Lumitaw sa imbestigasyon na ang kontrata sa Infiniti ay may bahid ng iregularidad tulad nang pagpasok nito sa negotiated procurement sa halip na idaan sa competitive bidding, non-compliance sa mga required posting ng invitation to bid, at ilang misrepresentations sa bidding process.

Dinaya din umano ang bidding process ng Science Building nang i-award nito ang lahat ng kontrata sa Hilmarc’s Construction para sa anim nitong phases mula 2008 hanggang 2013.

Napatunayan ng graft investigators na lumabag ng mga respondents sa government procurement rules partikular sa posting ng fake invitations to bid sa news publications. Lumilitaw na walang invitations na nailathala para sa construction pha­ses.