Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-amang CAFGU member niratrat

0 170

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang mag-ama sa loob ng kanilang bahay sa Maco, Davao de Oro, Biyernes ng hapon.

Sa report ng pulis, inabutan na lang nila ang tatay sa labas ng bahay sa Purok 1, Barangay Concepcion.

Kinilala ang tatay na si Arman Demecillo Sr., 49 taong gulang.

Sa kusina naman nabungaran ang bangkay na rin nitong anak na si Arman Demecillo Jr., 26.

Napag-alaman na ang dalawa ay miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU).

Sa inisyal na imbestigasyon, nakaupo lang ang ama sa labas ng kanilang bahay. Nasa balkonahe naman ang kanyang anak nang mangyari ang pamamaril.

Inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng mga suspek at kung ano ang motibo sa pamamaril. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.