Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-amang Ravena magkikita

0 186

Clark Smart Giga City – Hindi nagkakausap nang harapan ang mag-amang Bong at Kiefer Ravena sa Pampanga bubble.

Mahigpit ang social distancing, kahit sa iisang hotel sa Quest sila tumutuloy ay walang dikitang kuwentuhan. Kawayan lang, maliban sa sinabi ni coach Bong na tinatawagan niya sa Viber ang anak para kamustahin.

Magkikita ang mag-ama mamaya, pero nasa magkabilang dulo ng benches naman sa Smart 5G-powered AUF gym.

Toka ng TNT ni coach Bong ang NLEX na binabanderahan ni Kiefer. Magkasalungat ang takbo ng dalawang teams sa Philippine Cup – unbeaten sa 5 games ang Tropang Giga, samantalang nasa survival mode na ang Road Warriors na isa pa lang ang naipapanalo sa anim na laro.

Sa pang-anim na sunod na panalo ay pormal nang makakakuha ang Tropang Giga ng slot sa eight-team quarterfinals.

“’Yun talaga ang target namin ngayon, makapasok muna sa quarterfinals,” ani coach Bong. “Then we will continue to try and win more games para makapasok sa top four, possible be even No. 1.”

Twice-to-beat ang top four laban sa lower-ranked squads sa last eight. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.