Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-amang rebelde sumuko sa militar

0 70

KUSANG sumuko sa militar ang mag-ama na miyembro ng mga teroristang grupo.

Lumapit ang lalaki kasama ang kanyang 16-gulang na anak sa military kung saan inamin nilang kabilang sila sa mga terorista na naghahasik sa Brgy Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental.

Sumuko sila sa 94th Infantry Battalion, 3ID.

Kinilala ang ama na si alyas Joker, 40-anyos at miyembro ng Yunit Militia habang ang kanyang anak ay kinilalang si Alyas Jacking, na medical officer sa Sentro De Gravidad (SDG) Platoon ng Central Negros Front 2.

Isinuko ni Joker ang kanyang cal .38 pistol habang si Jacking naman ay isinurender ang cal. 30 Springfield sniper rifle.

Kwento ng sumuko, ang sunod-sunod na pag-atake ng militar sa Himamaylan City, Binalbagan at sa Kanbankalan City ang nagtulak sa kanyang sumuko para na rin sa seguridad ng anak.

“I know that the Army will catch up with them pretty soon and I can’t afford to see my young son die. He deserves to realize his ambitions in life,” sinabi umano ni Joker. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.