Abante Tonite Interactive

Mag-anak inambus sa van, buntis todas

659

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Taguig City Police ang insidente ng pananambang ng mga riding-in-tandem sa isang mag-anak na sakay ng van kung saan napatay ang isang buntis na ginang, Linggo ng madaling-araw

Nakilala ang nasawi na si Michelle Sarsalego, 28-anyos, habang sugatan naman ang asawa nito at ama.

Magkakasama ang mga biktima na sakay ng van patungong Pasig City para bumili ng mga gulay.

Ayon sa ulat ng pulisya, apat na armadong lalaki na sakay ng motorsiklo ang bigla na lamang pinaulanan ng bala ang van ng mga biktima sa Brgy. South Signal, Taguig City bandang alas-singko ng madaling-araw.

Nabatid na bago pa man ang pananambang ay nakakatanggap na umano ng banta sa kanilang buhay ang mga biktima.

Hinihinalang may kinalaman sa negosyo ng mag-anak na pagtitinda ng gulay sa palengke ang motibo ng krimen. (Vick Aquino)

Tonite – Wendys Inhouse Ad