Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-asawa, 2 tinedyer nag-FB live sa Taal dinampot

0 175

Inaresto ang lima katao kabilang ang dalawang menor de edad dahil sa pagpasok sa Taal Volcano island sa kabila ng babala ng Philvocs sa posibleng pagsabog nito.

Inaresto ng tauhan ng Talisay Police ang mag-asawang sina Hazel Molinar, 33 at Ryan Molinar, 33, ng Tanauan City at kasama nilang sina Jerico Escalona, 23 at dalawang menor de edad na mga taga-Balete dahil sa paglabag sa PAMB Resolution No. 65 Series of 2020 at kasong Disobedience to Person of Agent in Authority.

Ayon sa Talisay police, alas-12:30 ng tanghali nitong Linggo nang mamataan ang grupo sa bahagi ng Taal volcano island sakop ng bayan ng Talisay habang nagla-live stream sa social media kaugnay sa ipinakikitang abnormalidad ng bulkan.

Itinaas ng Phivolcs sa alert level 2 ang bulkan matapos ang sunod-sunod na pagyanig nito. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.