Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-asawa, 6 anak nalason sa butete

0 80

Patay ang isang ginang habang ginagamot pa sa ospital ang kanyang asawa at anim na anak matapos umano silang malason sa isdang butete o “buriring” na kanilang inalmusal sa Lapu-Lapu City, Cebu noong Miyerkules.

Kinilala ang nasawing biktima na si Romana Abas Evardo, 56, habang ginagamot pa sa Sta. Rosa Community Hospital ang asawa niyang si Reynaldo, 57, at mga anak na edad 32, 30, 28, siyam, lima at apat.

Ayon kay PSSgt. Aarn Guevarra ng Lapu-Lapu Police Station, niluto ng mag-asawa ang nasabing isda at inalmusal ng kanilang pamilya.

Makalipas ang ilang sandali ay nakaramdam ng pagkahilo at nawalan ng malay ang mga biktimang residente sa Caubian Island, Lapu-Lapu City.

Sinabi naman ng mga awtoridad na may nakalalasong bahagi sa katawan ng buriring na dapat munang tinatanggal bago lutuing mabuti para kainin. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.