Abante Tonite Interactive

Mag-asawa, 6 pang tulak huli sa QC 

By
2,638

Nabitag ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang mag-asawa at anim na iba pa, sa isinagawang magkakasunod na buy-bust ope­ration sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Chief. Supt. Guillermo Eleazar ang mag-asawa na sina Ariel de Guzman, 52-anyos, at Rodora de Guzman, 50, residente ng Brgy. Sta Monica, Novaliches.

Nadakip ang mag-asawa dakong ala-sais ng gabi sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Sta. Monica police sa Novaliches, Quezon City at nakumpiska mula sa kanila ang 11 sachet ng shabu.

Nadakip din sina Ronald Buenaventura, 38-anyos, ng Brgy. Longos, Malabon City; Sa­rah Baldon, 22; Arvin Salandanan, 18; Kevin Peralta, 22; Sharif Sa­nan, 57 at Richard Delos Santos, 27.

Nadakip ang mga suspek sa magkakahiwalay na buy-bust ope­ration sa iba’t ibang lugar sa Quezon City. ()