Abante Tonite Interactive

Mag-asawa, anak sinunog ng Maute sa Marawi

634

Hindi pa ganap na ligtas ang Marawi City mula sa Maute terror group.

Patunay dito ang karumal-dumal na pagpatay sa isang mag-asawa at kanilang anak na sinilaban nang buhay ng mga miyembro ng teroristang grupo noong Biyernes ng gabi sa Marawi.

Kinilala ang mag-asawa na sina Pisengayo Untawar at Kalid Ditingki gayundin ang kanilang 17-taong gulang na anak na si Norhidaya.

Mabilis namang na-rescue ang pito pang anak ng mag-asawa na kaagad dinala sa City Social Welfare and Development ng Marawi.

Suspek sa pagpatay ang Maute terror group, pero may sinasabi si Supt. Ibra Moxsir, hepe ng pulisya sa naturang lungsod, na iniimbestigahan din nila ang anggulo na agawan sa lupa ang dahilan ng pag-atake noong Biyernes.

Kaagad namang naaresto ang isa sa mga suspek pero hindi pa pinangalanan habang patuloy ang ginagawang operasyon ng pulisya para maaresto ang iba pang sangkot sa krimen.

Tonite – Wendys Inhouse Ad