Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-asawa, anak tinadtad ng bala

0 83

Patay ang mag-asawa at 5-anyos nilang anak matapos silang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga armadong lalaki habang natutulog kahapon ng madaling araw sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao.

Kinilala ang nasawing biktima na sina Abdulkadir Matuwa, 53, magsasaka, asawang si Zahera, 32, at 5-anyos nilang anak na babae. Suwerte namang hindi naman tinamaan ng bala ng armalite ang 9-buwang sanggol ng mag-asawa na nasa duyan nang maganap ang pamamaril.

Sa ulat ni Police Major Maximiano Gerodias, hepe ng Mamasapano Municipal Police Station (MPS), ala- una ng madaling araw, kasarapan ng tulog ang pamilya sa Barangay Mangungkaling nang dumating ang hindi pa batid na bilang ng mga armadong suspek at ratratin ang bahay ng pamilya Matuwa.

Dead on the spot ang mag-asawa at ang 5-anyos nilang anak habang himalang nakaligtas ang bunsong sanggol na nasa pangangalaga na ng pamilya ng mga biktima.

Nakuha sa crime scene ang mga nagkalat na bala ng M16 rifle.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pagmasaker habang inaalam din ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.