Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-asawa dinos-por-dos sa di nasindihang yosi

0 77

Naospital ngayon ang mag-asawa nang tumangging ipahiram ang lighter sa isang lasing na nangulit na sindihan ang kanyang sigarilyo sa Bacoor City, Cavite.

Kapwa ginagamot sa Las Pinas Geneal Hospital ang mag-asawang Daniel Duzao at Jenny Duazo, ng Brgy Molino 3, Bacoor City, Cavite dahil sa palo sa palo sa ulo at balakang.

Arestado naman ang suspek na si Jonel Cahigas, nasa wastong edad ng Bacoor City, Cavite.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ni PSSgt Albert Badocdoc, ng Bacoor City Police Station, alas-11:30 Martes ng gabi nang naganap ang insidente kung saan lasing na pumasok ang suspek sa bahay ng mag-asawa upang magsindi ng sigarilyo.

Pero tumangging ibigay ni Danilo ang hawak niyang lighter na ikinagalit ng suspek kaya umalis ito pero pagbalik ay armado na ng dos-por-dos at kinompornta si Danilo na humantong sa pagtatalo hanggang sa hatawin siya.

Tinangka siyang tulungan ng asawa pero hiataw din ng suspek na tinamaan sa ulo dahilan ng kanilang pagkakaospital. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.