Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-asawa inambus sa Cavite

0 40

Patay ang isang mag-asawa nang paulanan ng bala ang kanilang sasakyan ng dalawang suspek sa Gen. Trias City, Cavite nitong Huwebes ng hapon.

Isinugod pa sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Vincent Cabugnason y Rabusa, 31, at asawang si Marilyn Cabugnason y Olvina, 31, subalit hindi na sila umabot ng buhay dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Nabatid na mga taga-Sto. Tomas, Batangas ang mag-asawang biktima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng dalawang suspek na mga armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Base sa inisyal na ulat ni Staff Sergeant Ernesto Angue Jr. ng Gen. Trias City Police Station, sakay ang mag-asawa ng kanilang Toyota Wigo patungo sa direksiyon ng Sitio Carapiohan sa Brgy. Santiago sa naturang lungsod nang pagbabarilin ng mga suspek dakong alas-2:15 ng hapon.

Tumanggi ang pulisya na magbigay ng anumang impormasyon habang patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.