Abante Tonite Interactive

Mag-asawa kalaboso sa P1.2M shabu

267

Bilangguan ang bagsak ng isang mag-asawa na nahulihan ng P1.2 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation ng Davao City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 11 sa Barangay Sasa ng nasabing lungsod Sabado nang gabi.

Kinilala ni P/Maj. Reuben Libera, hepe ng Sasa Police Station, ang mag-asawa na sina Kasim Laupan Laguinsay, 52, isang security guard, at Linda Abubacar Laguinsay alyas ‘Aunte’, 51, na nakatira sa Maharlika Poblacion, Pagalungan, Maguindanao.

Ayon kay Libera, naaresto ang mag-asawa matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer ng droga.

Dalawang malalaking sachet ng shabu na may street value na P1.2 milyon ang nasamsam sa kanila at nabawi rin ang pera na ginamit sa buy-bust.

Kabilang umano si alyas ‘Aunte’ sa drug watch list at itinuturing na isang high-value target dahil malakihan kapag nagdedeliber ito ng droga sa kanyang mga katransaksyon.

Nakakulong ngayon ang mag-asawa at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (PNA)