Abante Tonite Interactive

Mag-asawa natsugi sa kinilaw

0 749

Patay ang mag-asawa matapos makakain ng kinilaw na ‘telepono shellfish’ sa Barangay Kinayan sa Barobo, Surigao del Sur.

Nakilala ang mag-asawang nasawi na sina Lucia Quiñonez Namoc, 55, at Leonito Cumahig Namoc, 58, kapwa residente ng Brgy. Kinayan.

Nabatid na nanguha ng shellfish si Leonito at kinain ng mag-asawa sa lutong kinilaw na patok sa panlasa ng mga taga-Surigao.

Pagsapit ng ilang oras ay nakaramdam ng matinding pananakit ng ulo, tiyan at katawan at pagsusuka ang mga biktima.

Idineklarang dead-on-arrival si Lucia sa ospital sa Barobo habang si Leonito ay naisugod pa subalit nasawi rin ilang sandali lang.

Una nang nag-abiso ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na iwasan munang kumain, magbenta at kumuha ng lahat ng klase ng shellfish kasama ang alamang o hipon mula sa Lianga Bay upang maiwasan ang posibleng pagkalason o may mataas na level ng red tide toxin. (Vick Aquino)