Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-asawa nirapido sa Hyundai

0 7

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng apat na kalalakihan na magkakaangkas sa dalawang motorsiklo ang isang mag-asawa sa loob ng sinasakyang Hyundai Elantra sa New Manila, Quezon City kamakalawa.

Hindi pa inilabas ng pulisya ang pangalan ng mga biktima na inilarawan lamang ang lalaki na may taas na 5’6”-5’7”, medyo mataba at kayumanggi ang balat, habang ang babae ay tinatayang nasa edad 30-35, nakasuot ng itim na dress, chubby, at may diamond image tattoo sa likuran.

Agad inatasan ni QCPD Director P/BGen. Antonio Yarra ang CIDU na imbestigahan ang pananambang sa mga biktima bandang alas-8:20, Miyerkoles ng gabi, sa kanto ng Broadway Avenue at 6th Street, Barangay Doña Mariana. Kinumpirma na ni Yarra na mag-asawa ang mga inambus.

Sa inisyal na report, isang saksi ang nagsabing naglalakad siya patungong 7th Street nang mamataan ang isang motorsiklo na nasa tabi ng nakaparadang sasakyan ng mag-asawa.

Bumaba umano ang backrider, nilapitan ang Hyundai at malapitang pinagbabaril ang lalaki. Pagkatapos, hinatak naman palabas ng sasakyan ang babae na nagtangka pang tumakas pero pinagbabaril din ng backrider bago tuluyang tumakas.

Nasamsam sa crime scene ang 24 caliber 5.56 fired cartridge cases ng M16 rifle, P531,600 cash, mga alahas, laptop, iba’t ibang ID, dalawang cellphone at Louis Vuitton bag. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.