Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-asawa sosyo sa bentahan ng shabu

0 264

Arestado ang mag-asawang kapwa nasa drug watch list ng kanilang barangay sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 10 kamakalawa ng gabi sa may Gomez St., Paco, Maynila.

Kinilala PLt. Michael Oxina, ng MPD Pandacan PS 10, ang mga suspek na sina Gerry, 41; at Maricris Monteverde, 41, kapwa taga-1467 Int. 33 Gomez St., Paco, Maynila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na alas-7:45 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation kung saan isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer at nakipagtransaksiyon sa mga suspek.

Nakumpiska sa mag-asawa ang 7 sachet ng shabu na may timbang na 2.4 gramo at may street value na P16,320. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.