Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-asawa tinapon sa Laguna lake

0 141

Lumulutang na bangkay na nang matagpuan ang mag-asawa sa may Laguna Lake sa Muntinlupa City kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktimang sina Alex Damayo at Emily Damayo, kapwa nasa hustong gulang, caretaker ng isang palaisdaan at mga residente ng Desuasido Ricemill, Brgy. Maduya, Carmona, Cavite.

Ayon sa ulat, nangingisda sa bahagi ng Barangay Alabang si Lester Rivera, 27, residente ng Binangonan Rizal, nang mamataan ang lumulutang na bangkay.

Ipinagbigay-alam niya ito sa pulisya na agad kumilos at nagtungo sa lugar.

Ayon kay Jun Tamayo, may-ari ng palaisdaan na binabantayan ng pinsan niyang si Alex, ilang araw nang nawawala ang mag-asawa at hindi rin umano niya ma-contact ang mga ito sa cellphone.

Binisita umano niya ang palaisdaan kahapon para personal na alamin ang kalagayan ng mag-asawa pero bago pa man siya makarating sa baklad ay bumungad na ang bangkay nina Alex at Emily.

Dinala na ang mga labi ng mag-asawa sa Our Lady of Loreto Funeral Service para isailalim at matukoy sa awtopsiya ang dahilan ng kanilang pagkamatay. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.