Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-asawa Tirador ng kuryente, Timbog

0 391

Di na nakapalag pa ang mag-asawang wanted sa pagnanakaw ng kuryente nang makorner ng mga awtoridad sa Ignacio St., Brgy. Daang Hari, Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na sina Nicasio Yuson, 43, at Ma. Carlota Yuson, 40.

Unang dinakip sa bisa ng warrant of arrest si Nicasio sa gate ng kanilang tinitirhan at kasunod na dinampot ang misis nitong si Carlota.

Nagpakilalang marketing officer ng isang bangko ang babaeng Yuson habang jobless ang mister nito.

Ang mag-asawa ay may tig-dalawang warrant of arrest sa paglabag sa ikalawang seksyon ng Republic Act 7832 o Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/ Materials Pilferage Act of 1994.

SM food to go Banner Ad

Nilalayon ng nasabing batas na bigyang katarungan ang mga tapat na nagbabayad ng buwanang kunsumo ng kuryente sa pamamagitan ng pagsupil o pagpigil, paghuli at pagpapataw ng multa at pagkabilanggo ng mga magnanakaw ng kuryente.

Dalawang beses umanong naaktuhan ng Meralco na nagnanakaw ng kuryente ang mag-asawa bukod pa sa hindi pagbabayad ng mga ito ng kanilang bill ng kuryente.

Napag-alaman ng mga service crew ng Meralco na hindi dumadaan sa metro ng kuryente ang kanilang tinitirhan kaya pinutulan sila ng kuryente at sinampahan ng kaso.

Agad namang ikinabit ng mag-asawa ang iligal na linya kahit hindi pa nababayaran at naaareglo ang unang kaso.

Sakaling ma-convict, ang mag-asawa ay maaaring mahatulan ng 6-taon at isang araw hanggang 12 taong pagkakakulong maliban pa sa mga multang itatakda ng korte.

Leave A Reply

Your email address will not be published.