Abante Tonite Interactive

Mag-asawang Dela Cruz asintado

200

Nagpakitang gilas ang mga batang archer matapos magwagi sa isang patudlaan ng World Archery Philippines sa Sevilla Range sa Novaliches, Quezon City.

Mahigit 200 archer mula sa iba’t-ibang lugar sa bansa ang lumahok sa event na nagsisilbing WAP trial para sa bubuuing ng national training pool at maging team sa international competition, kasama ang 2021 SEA Games.

Nagwagi sa juniors at seniors securve sina Jason Feliciano, Carston Hastie, Jonathan Reaport Riley Silos, Max Gotuaco , Gabrielle, Pia Bidaure at Phoebe Amistoso. Mga kandidato na sila para sa paghalili sa ibang mainstays.

Ang mag-aswang sina SEA Games mixed doubles champion Paul at Rachelle Dela Cruz ang hinirang na individual champions sa compound, kinalos nila ang nagbalik na si dating Asian champion Earl Benjamin Yap at si Abbigail Tindugan ng Tondo, Manila. (Elech Dawa)