Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-asawang faith healer pinalakol, niratrat

0 95

Brutal na nagwakas ang buhay ng mag-asawang umano ay parehong faith healer matapos palakulin at barilin ng mga nagalit na residente sa Placer, Masbate.

Madaling-araw ng Martes nang dukutin ng hindi nakilalang armadong kalalakihan ang mag-asawang sina Alvino at Belly Flores sa kanilang bahay sa coastal barangay ng Camayabsan sa naturang bayan.

Ayon sa pulisya, nasa tabing dagat ang lalaki nang dumating ang mga suspek na naka-mask, jacket at armado ng mga baril at galit na hinanap ang misis nito.

Inaakusahan ng mga residente na nangungulam ang babae at ang mister umano ang gumagamot sa kinukulam na ginagawa umano nilang hanapbuhay.

Matapos makuha sa bahay, iginapos ang mag-asawa at dadalhin sana sa sentro ng barangay upang ipakita sa publiko ang gagawing pagpatay subalit nagtangkang tumakas ang babae kaya pinagbabaril ito subalit hindi pumutok ang mga baril.

Kasunod noon ay inilabas ng mga suspek ang dalang palakol na siyang ginamit pangkatay sa mag-asawa.

Kahit nakabulagta na ay pinagbabaril pa ang mag-asawa.

Inaalam ngayon ng mga pulis kung anong grupo ang may kagagwan sa krimen. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.