Abante Tonite Interactive

Mag-asawang lagpas 80 ang edad, pinagnakawan na, pinatay pa

284

EDISON REYES

Hindi na nag-aksaya ng panahon sina Maj. Monsalve at kaagad na ipinabatid kay QCPD Director P/Brig. Gen. Esquivel ang lahat ng kanilang mga naka-lap na impormasyon sa nangyaring pamamaslang pati na sa pagkakakilanlan sa salarin.

Dahil dito, inatasan na ni Gen. Esquivel ang puwersa ng CIDU at Novaliches Police Station sa pangunguna ni Lt. Col. Cejas na isagawa na ang malawakang pag-TUGIS sa salarin matapos matiyak na positibo ang impormasyong ibinahagi ng nakaligtas na biktima.

Natunton din ng kapulisan ang dating pinagtatrabahuhan ng salarin at dito nila na-laman na mahigit isang linggo na nilang sinibak sa trabaho ang salarin dahil bukod sa natuklasang pa-ngungupit nito ng nakokolektang salapi sa pagde-deliver ng itlog, nalaman nilang nahuhumaling din ito sa ilegal na droga.

Dahil tukoy na rin ng kapulisan kung saan posibleng namamalagi at nagtatago ang suspek, kaagad na naki- pag-talastasan si Lt. Col. Cejas sa pamunuan ng Caloocan City Police at N­orthern Police District (NPD) upang hanapin kung may rekord sa Intelligence Unit ng natu-rang distrito ang salarin.

Matagal ding naglingkod bilang pinuno ng District Intelligence Division (DID) ng NPD si Col. Cejas sa panahon ng panunungkulan bilang Director ng naturang distrito ni P/Brig. Gen. Roberto Fajardo bago nalipat bilang commander ng Novaliches Police Station ng QCPD kaya’t malalim ang kanyang kaalaman sa mga taong sangkot sa kalakalan ng illegal na droga sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela o CAMANAVA area.

Maging ang pamunuan ng Caloocan Police sa pangunguna ni dating city police chief P/Col. Restituto Arcanghel at ng kanyang deputy chief for administration P/Lt Col. Ferdinand Del Rosario ay tumulong na rin sa pagtukoy sa tunay na katauhan ng salarin.