Abante Tonite Interactive

Mag-asawang lagpas 80 ang edad, pinagnakawan na, pinatay pa

231

EDISON REYES

Matagal ding nag­lingkod bilang pinuno ng District Intelligence Division (DID) ng NPD si Col. Cejas sa panahon ng panunungkulan bilang Director ng naturang distrito ni P/Brig. Gen. Roberto Fajardo bago nalipat bilang commander ng Novaliches Police Station ng QCPD kaya’t malalim ang kanyang kaalaman sa mga taong sangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela o CAMANAVA area.

Maging ang pamunuan ng Caloocan Police sa pangunguna ni dating city police chief P/Col. Restituto Arcanghel at ng kanyang deputy chief for administration P/Lt Col. Ferdinand Del Rosario ay tumulong na rin sa pagtukoy sa tunay na katauhan ng salarin.

Dahil sa pagtutulungan ng puwersa ng QCPD, NPD at Caloocan police, natukoy ang lugar na pinagkukutaan ng salarin na natuklasang sangkot sa iligal na droga at kasalukyang binubuo na ng pulisya ang kasong isasampa laban sa kanya.

Martes nang gabi noong Mayo 28, 2019 nang ikasa ng pinagsanib na puwersa ng Novaliches Police Station, Criminal Investigation and Detectiong Group (CIDU), Caloocan city police at District Intelligence Division ng Northern Police District (DIID-NPD) ang pag-TUGIS sa salarin makaraang matukoy ang lugar na kanyang pinagtataguan.

Dakong alas-7:00 nang gabi nang tulu­yang masukol ng kapulisan ang 37-an­yos na suspek na si Carl Joseph Alarin Bañanola, sa 4th Avenue matapos na umiskor ng iligal na droga sa kalapit na lugar sa BMBA Compound na kilalang talamak na lugar ng mga drug addict.

Hindi na nakapalag si Bañanola nang pagsalikupan siya ng kapulisan at sumama ng maayos sa mga umarestong pulis patungo sa headquarters ng QCPD.
Nang malaman ni Brig. Gen. Esquivel na nadakip na ang kri­minal, kaagad niyang kinausap ang salarin upang alamin ang motibo sa ginawa niyang pagpatay.