Abante Tonite Interactive

Mag-asawang lagpas 80 ang edad, pinagnakawan na, pinatay pa

253

Matapos namang makumpleto ng mga tauhan ng CIDU ang lahat ng mga sinumpaang salaysay ng mga testigo at ang tahasang pag-amin ni Bañanola sa ginawang pagnanakaw at pagpatay, pati na ang nakalap na mga ebidensiya sa lugar na pinangyarihan ng krimen kabilang ang kanyang suot na pulang sando, patalim at tubo na pawang may bahid ng dugo, itinakda ng kapulisan ang paghahain ng dalawang bilang na kasong robbery with homicide and frustrated murder laban sa kanya.

Isinama rin ng kapulisan sa ihahain nilang ebidensiya na lalung magpapatibay sa kaso ang nakalap nilang kuha ng CCTV na nakakabit sa mga lansangan ng Barangay San Agustin kung saan nakita ang salarin habang naglalakad patungo sa bahay ng mag-asawa at ang paglalakad niyang muli palayo na sa lugar na iba na ang kasuotan sa pagitan ng mga oras na nangyari ang krimen.

Bago mag-alas-5:00 nang hapon ay dinala na ng kapulisan sa Quezon City Hall of Justice sa Diliman, Quezon City si Bañanola upang isailalim sa inquest proceedings, kasama ang mismong hepe ng Novaliches Police Station na si Lt. Col. Rossel Cejas at tatlo pang pulis, kabilang ang driver ng mobile car QC-188 bilang mga escorts.

Abante Hiring – IT dep

Tulad ng dapat asahan, walang kaukulang piyansang inirekomenda ang Tagausig para sa pansamantalang paglaya ng salarin dahil sa bigat ng kanyang ginawang krimen at matibay na ebidensiyang iprinisinta ng kapulisan, maliban pa sa ginawa niyang pag-amin sa pagpaslang at pagnanakaw.

Matapos mai-prisinta sa inquest fiscal si Bañanola, muli siyang isinakay sa likurang bahagi ng mobile car na napapagitnaan ng dalawang pulis habang nasa harap sa tabi ng driver nakaupo si Col. Cejas.