Abante Tonite Interactive

Mag-asawang lagpas 80 ang edad, pinagnakawan na, pinatay pa

201

EDISON REYES

Habang binabagtas na ng mobile car ang Kalayaan Avenue sa tabi ng Quezon City Hall, hiniling umano ni Bañanola sa katabing pulis na si P/SSgt. Alex Icban na luwagan ng bahagya ang posas sa dalawang kamay na nasa likuran dahil masyadong mahigpit ang pagkakalagay nito at nagsisimula ng magsugat ang kanyang pulso.

Bilang makataong pagsasaalan-alang, pinagbigyan ni Sgt. Icban ang hiling ni Bañanola subalit habang niluluwagan na niya ng bahagya ang posas, biglang sinunggaban ng salarin ang service firearm ng pulis kaya’t nagresulta ito sa kanilang pag-aagawan.

Nang makita ni Col. Cejas ang pangyayari, binunot niya ang kanyang baril at pinaputukan si Bañanola sa hita subalit hindi natinag sa pakikipag-agawan ang suspek kaya’t muli siyang binaril ng opisyal sa dibdib.

Kaagad na isinugod ng mga pulis si Bañanola sa East Avenue Medical Center subalit hindi na rin siya umabot ng buhay sa naturang pagamutan matapos ideklarang patay dakong alas-6:52 ng gabi.

Nang makarating sa kaalaman ni Maj. Gen Eleazar ang pangyayari, kaagad niyang iniutos ang pagsisiyasat sa nangyaring insidente pati na ang pagsusuri sa umiiral na sistema ng patakaran kaugnay sa wastong pagbibigay ng seguridad ng kapulisan sa isang kriminal upang hindi na maulit pa ang pangyayari.

Tiniyak din niya na malalaman sa isasagawang imbestigasyon kung may iregularidad na nangyari o nagawa ang kapulisan na naging sanhi ng pagkamatay ng pangunahing suspek sa pagnanakaw at pagpatay sa mag-asawang Nicolas at Leonor Austria.

Sa kabila nito, nagpahayag ng paniniwala si Gen. Eleazar na ang mga nahuhumaling sa paggamit ng ilegal na droga tulad ni Bañanola ay kadalasang naaapektuhan ang kaisipan at pag-uugali at nakakagawa ng labis na karahasan na hindi naman nila pinagsisisihan.

Sa mga kriminal na nakatakbo at nakaiwas sa pag-TUGIS ng batas, pansamantala lang yan, hindi habang panahon kayong makapagtatago. Tandaan ninyo. walang krimen na hindi pinagbabayaran.