Abante Tonite Interactive

Mag-asawang lagpas 80 ang edad, pinagnakawan na pinatay pa

0 257

EDISON REYES

Dito nga sa ating bansa kung saan hindi pinapahintulutan ang divorce, ang matrimonya ng kasal ay isang sagradong okasyon dahil kapuwa sila mangangako ng panghabambuhay na pagmamahalan, pagkakaloob ng respeto sa isa’t isa at pagbibigay ng mga pangangailangan ng bawat isa.

Bagama’t totoo na hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ang pagsasama ng isang mag-asawa dahil na rin sa mga pagdaraanan nilang mga hirap at pagsu­bok, ang katatagan ng kanilang pagsasama ay hindi maaapektuhan kung kapuwa sila magiging tapat sa isa’t isa at magkatuwang sa pagbibigay ng solusyon sa lahat ng problema.

Kung tutuusin, hindi naman batayan sa isang mag-asawa ang kapuwa may mataas na pinag-aralan para sabihin na ito ang dahilan ng matatag nilang pagsasama dahil marami pa nga ang nasisira ang buhay dahil lamang sa paghihilian kung sino ang dapat gumawa ng isang bagay sa loob ng kanilang tahanan.