Abante Tonite Interactive

Mag-asawang lagpas 80 ang edad, pinagnakawan na pinatay pa

0 269

EDISON REYES

Subalit hindi rin naman maikakaila na ma-laking puntos sa isang mag-asawa ang kapuwa may mataas na pinagaralan at reputasyong pinag-iingatan, hindi lang para sa ginaga-lawan nilang lipunan kundi higit sa lahat ay para na rin sa kanilang mga anak.

Sa kaso ng mag-asawang Nicolas Austria, 86-anyos at misis niyang si Leonora, 87, hindi lamang ang halos perpektong pagsasama ang kanilang pwedeng maipamana sa kanilang mga anak at apo kundi higit sa lahat ay ang ibinahagi nilang mga payo at pangaral na puwede nilang maging gabay upang maabot din o malagpasan pa, hindi lamang ang kanilang edad kundi ang matatag na pagsasama sa kani-kanilang mga naging kabiyak o katuwang sa buhay.

Abante Hiring – IT dep

Isang matagumpay na retiradong inhinyero si Mang Nicolas habang kawani naman ng pamahalaan ang kanyang asawang si Leonora subalit ang pagiging propesyunal at kapuwa pagkakaroon nila ng matatag na hanapbuhay ay hindi naging hadlang upang mapanatili nila ang matagal na pagsasama bilang mag-asawa.

Bagama’t bihira lang naman talagang mari-nig ang perpektong pagsasama ng isang mag-asawa, masasabing isa na marahil sa maitutu-ring na matagumpay ang mahabang panahon ng pagiging mag-asawa nina Mang Nicolas at Aling Leonora.

Bukod kasi sa wagas na pagmamahal na iniuukol nila sa isa’t isa, ibinabahagi rin ng mag-asawa sa kanilang mga anak ang wastong pag-uugali, pagkatakot at pagmamahal sa Diyos at pagpapahalaga sa isa’t-isa.

Sa isang pahayag ng isa sa mga kaanak ng mag-asawa na tumangging ipabanggit ang pa-ngalan sa TUGIS, hindi aniya lumalaktaw ang pamilya Austria sa pagsisimba tuwing araw ng Linggo at ito’y mula pa noong mga maliliit pa ang kanilang mga anak.

Patunay lamang na naibahagi talaga nina Mang Nicolas at Aling Leonora sa kanilang mga anak ang sikreto ng kanilang matagal na pagsasama, pati na ang pagmamahalan, pagbibigayan at paniniwala sa Poong Maykapal.

At kahit pa nga mahabang panahon ang inubos ng mag-asawa sa kani-kanilang mga larangan upang maitaguyod ang pag-aaral sa maayos na paraan ang kanilang mga naging anak, masasabing sapat lamang ang kanilang naipundar na kabuhayan para sa isang maayos at tahimik na pamumuhay.

Hinangaan din ang mag-asawa sa pagpapahalaga sa kanilang pinaghihirapang kita sa pagtatrabaho na sad-yang inilalaan sa kinabukasan ang kanilang pamilya.

Wala ring pagkakataon na nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa ng dahil lamang sa salapi at sa halip ay pinapahalagahan ang respeto sa isa’t-isa upang matiyak na ang pangako ng wagas na pagmamahalan at wastong pagpapalaki ng mga anak ay kanilang mapangalagaan
Kaya hindi na nakapagtataka kung mapagtapos nila sa pamamagitan ng kanilang pagtutulu-ngan ang pag-aaral ng kanilang apat na anak na sina Lily, Lito, Liza at Leah hanggang sa maabot ng mga ito ang kani-kanilang pangarap at tulad nila ay maging mga propesyunal sa kani-kanilang larangan.

Sa katunayan, maganda rin ang na-ging buhay ng kaisa-isang anak na lalaki nina Mang Nicolas at Aling Leonora na si Lito Austria na nakapag-asawa ng isa ring propesyunal na bukod sa pagiging maganda ay isa ring mabait at responsableng may-bahay.