Abante Tonite Interactive

Mag-asawang lagpas 80 ang edad, pinagnakawan na, pinatay pa

0 197

EDISON REYES

Sa isinagawang pagkuha ng latent prints ng mga tauhan ng SOCO sa cellular phone na nakita sa crime scene, nakakuha sila ng mga bakas ng daliri na posibleng maging batayan sa pagtukoy sa may kagagawan ng krimen.

Labis naman ang pagdadalamhati ng mga anak ng mag-asawang Nicolas at Leonora nang makarating sa kanilang kaalaman ang ginawang karimarimarin na pagpatay sa kanilang mga magulang at tangkang pagpaslang sa nag-iisang kasambahay na matagal na ring naninilbihan sa mga biktima at pinagkakatiwalaan ng mag-asawa.

Abante Hiring – IT dep

Maging ang manugang ng mag-asawa na si Vancouver, Canada Consul General Maria Andrelita Austria na asawa ng nag-iisang anak na lalaki ng mga biktima na si Lito ay labis ang panlulumo sa pagpanaw ng mga biyenan sa marahas na paraan kaya’t nagkaisa silang hilingin kina PNP chief Gen. Oscar Albayalde at National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen.
Guillermo Eleazar na matutukan ang kaso upang mabigyan ng hustisya kaagad ang walang kapararakang pagpaslang sa dalawang matanda.

Kaagad namang tinawagan ni Maj. Gen. Eleazar si QCPD Director P/ Gen. Joselito Esquivel upang bigyan ng direktiba na matutukan ang kaso ng mag-asawang Austria at makapagsagawa kaagad ng pag-TUGIS sa salarin, hindi lamang dahil sa kahilingan ng pamilya ng biktima kundi upang matiyak na mapagkakalooban ng hustisya ang pagkamatay ng dalawa.