Abante Tonite Interactive

Mag-asawang lagpas 80 ang edad, pinagnakawan na, pinatay pa

213

EDISON REYES

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga tauhan ng CIDU, pawang nagtamo ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sina Mang Nicolas at Aling Leonora bukod sa nakita pang sugat sa kani-kanilang ulo na palatandaang pinalo sila ng matigas na bagay.

May teorya rin sina Maj. Monsalve na tinangkang magtago ni Aling Leonora sa loob ng banyo matapos paluin sa ulo at pagsasaksakin ng salarin ang kanyang asawa suba­lit hinabol at inabutan din siya at tuluyang paslangin.
Wala ring nakikitang forced entry o puwersahang pagpasok ng salarin sa loob ng bahay ng mga biktima dahil hindi naman sinira ang kandado ng pintuan kaya’t may hinala ang mga imbestigador ng CIDU na umakyat ng bakod ang suspek hanggang tulu­yang makapasok sa loob ng bahay.

Sinabi ni Maj. Monsalve sa panayam ng TUGIS na malaki ang kanilang hinala na kilala ng mga biktima ang salarin kaya’t ipinasiya niyang paslangin ang lahat ng mga naninirahan sa bahay upang hindi matukoy ang kanyang pagkakakilanlan.

Nakipag-ugnayan din kaagad ang kapulisan sa mga opisyal ng barangay sa San Agustin upang masilip ang kuha ng kanilang mga ikinabit na close circuit television (CCTV) camera sa naturang lugar na posibleng nakahagip sa salarin o mga salarin na may kagagawan sa karimarimarim ng krimen.

Bukod sa CCTV ng barangay, hiniling din nina Maj. Monsalve, kasama si QCPD Novaliches Police Station (PS) 4 chief Lt. Col. Rossel Cejas sa mga residente sa lugar na nakapagkabit ng kanilang sariling surveillance camera na masilip din ang kuha ng kanilang camera sa mga oras na bago isinagawa ang krimen at pagkatapos ng pagpaslang.

Habang kumaka­lap ng mga testigo ang kapulisan, pati na sa mga posibleng nakapuna sa kahina-hinalang kilos na kanilang napansin sa paligid ng bahay ng mag-asawang Austria na makakatulong sa pag-TUGI­S sa salarin, ipinasiya naman ni Maj. Monsalve na alamin ang kondisyon ng kasambahay ng mag-asawa na si Editha na isinugod sa Capitol Me­dical Center.

Nang matiyak ni Maj. Monsalve na nasa ligtas ng kalagayan si Editha na nagtamo ng mga sugat sa katawan at grabeng pinsala sa ulo makaraang paluin ng tubo ng suspek, humi­ngi sila ng pahintulot sa attending physician ng biktima kung pwedeng siyang makausap upang mahi­ngan ng pahayag kaugnay sa nangyaring krimen.

Dahil maayos na rin naman ang kondisyon ni Editha, pumayag ang mga doktor sa hiling ni Maj. Monsalve na kausapin at hingan siya ng paha­yag sa loob ng silid ng naturang pagamutan kung saan patuloy siyang nakaratay upang magpagaling ng tinamong sugat.

Sa naging pahayag ni Editha kay Maj. Monsalve, isa lang ang pumasok sa loob ng tahanan ng kanyang mga amo at makikilala niya ang salarin dahil minsan na rin niyang nakasama ang lalaki sa dati niyang trabaho.

Ayon pa kay Editha, tatlong ulit siyang hinataw ng tubo sa ulo ng salarin matapos niyang tangkaing manlaban makaraang makita niya ang puwersahang pagpasok ng lalaki sa loob ng bahay ng kanyang amo.