Abante Tonite Interactive

Mag-asawang lagpas 80 ang edad, pinagnakawan na pinatay pa

0 244

EDISON REYES

SA panahon ngayon, mahirap ng maabot ng isang mag-asawa ang edad na 80-taon at kung lalagpas pa rito, masasabing karagdagang biyaya o bonus na sa kanilang pagsasama na posibleng dahil na rin sa mga nagawa nilang kabutihan, hindi lamang sa kanilang pamilya kundi maging sa lipunan pati na ang pagpapahalaga sa kanilang kalusugan.

Totoo na marami pa ring mga kalalakihan o mga kababaihan ang naaabot ang ganitong edad pero ang karamihan sa kanila ay nag-iisa na lamang sa buhay dahil nauna ng namayapa ang kanilang asawa.

Batay kasi sa pag-aaral ng mga eksperto, dumarating sa punto na nahihirapang pagtibayin ng isang mag-asawa ang kanilang relasyon dahil na rin sa maraming kadahilanan, kabilang na rito ang pagiging marupok ng isa at ang hindi pagtupad sa kanilang sinumpaang pangako nang sumailalim sa matrimonya ng kasal.

Kung tutuusin, walang dahilan upang sumira sa kani-kanilang mga pangako ang mag-asawa lalu na’t ang layunin nila sa pagpapakasal ay tuparin ang sinumpaang pagmamahalan at magsasama kahit ano pa mang pagsubok ang dumating sa kanilang buhay.