Abante Tonite Interactive

Mag-asawang leftist nadakip sa Bulacan

By
449

Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang mag-asawang kapwa miyembro ng maka-kaliwang pang­kat makaraang sala­kayin ng awtoridad ang kanilang tinitirhan at makumpiskahan ng dalawang maigsing baril at granada sa Galvez St., Barangay Wawa, Balagtas, Bulacan noong Sabado ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Chito G. Bersaluna, acting provincial director ng Bulacan-PNP, ang naarestong sina Oliver Rosales, alyas “Ka Ver”, executive commission member at misis nitong si Rowena Rosales y Vergara, alyas “Weng”, secretary, kapwa ng Intermediate Mass Organization Department, isang maka-kaliwang grupo.

Nabatid na bandang alas-kuwatro ng hapon nang salakayin ng Criminal Investigation and Detection Group(CIDG)-National Capital Region (NCR) kaugnay ng kanilang Oplan Pagtugis, Oplan Salikop at Oplan Paglalansag Omega ang tinitirhan ng mag-asawang suspek sa naturang lugar.

Abante Hiring – IT dep

Hindi na nakapalag ang mag-asawa matapos ihain ng awtoridad ang warrant of arrest na inisyu ng 10th Judicial Region, Branch 34 ng Cabadbaran City, Agusan del Norte dahil sa kasong arson na walang inirekomendang piyansa.