Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-asawang mayor, vice sa Abra sapol ng COVID

0 57

Nagpositibo sa COVID-19 ang mayor at asawa nitong vice mayor sa Bangued, Abra, ayon sa kanilang anak na si Abra Gov. Ma. Jocelyn Valera-Bernos.

Inanunsiyo ito ni Bernos sa kanyang Facebook account kung saan ay natanggap umano ng kanilang pamilya ang kumpirmasyon na nagpositibo sa COVID ang kanyang mga magulang na sina Mayor Dominic Valera at Vice Mayor Mila Acosta-Valera nitong Setyembre 2, Huwebes.

Ayon sa report, parehong bakunado na laban sa COVID ang mag-asawang Valera pero tinamaan pa rin ng virus.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid sa gobernadora na dati na ring nagpositibo sa COVID na nakararanas lang ng mild symptom ang kanyang mga magulang.

Dahil dito, sinabi ni Bernos sa lahat ng mga taong nakasalamuha ng kanyang mga magulang lalo na ang mga kawani sa munisipyo ng Bangued na agad makipagtulungan sa Rural Health Unit para sa contact tracing.

Hiniling din ng opisyal na sumailalim sa quarantine ang mga nagkaroon ng close contact sa kanyang mga magulang. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.