Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-asawang NPA dedo sa engkwentro

0 234

Patay ang mag-asawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkuwentrong naganap kahapon ng madaling araw sa Barangay San Antonio sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte.

Kinilala ang nasawii na sina Noeme Marca, supporter at recruiter ng NPA, at asawa nitong si Lourdes Marca, CTG SPL Secretary, kapwa ng Purok 2, Brgy San Antonio, Capalonga, Camarines Norte.

Sa ulat ni Police Brig Gen. Jonnel Estomo, Regional Director ng Bicol PNP, ika-2:30 ng madaling-araw nang mag-implimenta ng search warrant ang pulisya kontra sa mag-asawa sa kasong illegal possession of firearms, ammunition at explosives.

Hindi pa nakakalapit ang awtoridad sa kanilang bahay ay sinalubong na sila ng putok kung saan

SM food to go Banner Ad

mahigit sa 10 miyembro ng NPA ang nasa loob ng bahay.

Nagkapalitan ng putok ang dalawang panig at matapos ang labanan ay tumakas na ang ibang miyembro ng NPA at naiwan ang mag-asawang kapwa patay sa naganap na engkwentro.

Nasapol naman ang isang pulis subalit nailigtas ito ng suot na bullet proof vest kaya hindi napuruhan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.