Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-asawang senior, apo magkakatabing nasunog

0 152

Nasawi ang mag-asawang senior citizen kasama ang 3-anyos na apo makaraang hindi sila makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Magkakatabi pa sa kuwarto ng iunuupahang bahay sina Vicente A.Olario, 65, asawa nitong si Beatris, 62 at apong si Athea Oralio, taga-Kamagong St., Pangarap Village, North Barangay 182, Calooacan.

Kwento ni Leonardo Ibarra, may-ari ng tinutuluyan ng mag-anak na Oralio, alas-2: 00 ng madaling-araw nang makitang naglalagablab ang bahay.

Nang magsagawa na ng search and rescue operation, nakita ang mag-anak na magkakatabi pa sa kuwartong tinutulugan.

Tulog ang mga biktima kaya hindi namalayan ang mabilis na pagkalat ng apoy. Nagtamo ito ng 3rd degree burns sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Naiwan na kandila ang sinisilip ng mga arson investigator na dahilan ng sunog. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.