Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-asawang senior swak sa investment scam

0 58

Pinosasan ang isang mag-asawang senior citizen matapos mahuli sa isang entrapment operation dahil sa pagkakasangkot sa investment scam sa Cordon, Isabela, ayon sa Police Regional Office 2 (PRO-2).

Kinilala ni PRO-2 information officer P/Lt. Col. Andree Abella ang mag-asawang suspek na sina Ernesto, 72-anyos, at Merlita Gumarang, 60, parehong taga-Cordon ng nasabing lalawigan.

Ayon kay Abella, bago ang pag-aresto, may lumapit sa kanilang tanggapan na walong katao at nagreklamo matapos na mabiktima ng mag-asawa

kung saan ay hinikayat sila na magbigay ng P400 bilang membership fee sa kanilang ipinakilala na investment company na Interim National People’s Initiative Council (INPIC).

Sa report, ayon sa pulisya, tiniyak umano ng mag-asawa sa mga biktima na mas malaking pera ang babalik sa kanila – mula P30,000 hanggang P1 milyon – na kanilang makukuha sa Disyembre ngayong taon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagsumbong sila sa awtoridad dahil nalaman nila na walang permit ang mga Gumarang para mag-operate ng nasabing kompanya.

Nakipag-ugnayan ang awtoridad sa Securities and Exchange Commission at dito nalamang hindi nakarehistro ang INPIC.

Sa pamamagitan ng operasyon ng Isabela Police Station, Criminal Investigation and Detection Group Region 2, at Santiago Police Unit ay nahuli ang mag-asawa.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa PRO-2 at kasong syndicated estafa ang sinampa laban sa kanila. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.