Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-asawang tulak, 4 pa timbog sa shabu

0 49

Anim na drug pusher kabilang ang isang mag-asawa na sangkot sa pagtutulak ng iligal na droga sa mismong inuupahan nilang bahay ang magkakasunod na nadakip ng mga operatiba ng pulisya sa magkakahiwalay na bayan sa Bulacan mula kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng umaga.

Kinilala ni Major Marvin Aquino, hepe ng Bocaue Municipal Police Station, ang mga naarestong mag-asawa na sina Benedict at Samantha Sareno; Arnel Toralde; Rommel Gabriel; Jaime Valenzuela Jr. alyas `Paw’; at Felino Dela Cruz alyas `Bolong’.

Nakakulong na ang mga suspek at nahaharap sa kasong criminal matapos na mahulihan ng kabuuang 17 pakete ng shabu at mga drug paraphernalia. Nabawi rin ang pera na ginamit sa buy-bust operation.

Related Posts

Nabatid na pasado alasotso ng gabi nang isailalim sa buy-bust operation ang mag-asawang Sareno at kanilang kapwa tulak na sina Toralde at Gabriel sa inuupahang apartment ng mga ito sa Barangay Turo, Bocaue.

Sumunod na natimbog ang drug pusher din na si Valenzuela sa Barangay Tabang sa Plaridel bandang alas-nuwebe ng gabi.

Huling natimbog sa Barangay Sulivan, Baliwag ang suspek na si Dela Cruz na hindi nakaporma sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation andang alas-una nang madaling-araw. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.