Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-asawang tulak niratrat, anak kinidnap

0 86

Pinagbabaril at napatay ng di nakilalang salarin ang mag-asawa na umano ay sangkot sa iligal na droga sa loob mismo ng kanilang bahay sa Binan City, Laguna, Lunes ng gabi.

Nasawi habang isinusugod sa Ospital ng Binan sina Jose Garry Domingo, empleyado ng Binan Traffic Force Unit, at misis nitong si Loida.

Dinukot din ng mga suspek ang panganay na anak ng mag-asawa na si Jose Garry Domingo Jr. at isinakay sa isang hindi natukoy na sasakyan.

Sa report ng Binan police, nasa loob ng kanilang bahay sa Barangay Malaban ang mga biktima nang pasukin ng mga armadong kalalakihan alas-9:00 ng gabi.

Pinagbabaril muna ng mga ito ang mag -asawa bago kinaladkad ang anak at isinakay sa sasakyan patungo sa hindi natukoy na direksyon.

Posible umanong awayan at kumpetensya sa bentahan ng iligal na droga ang motibo sa krimen. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.