Abante Tonite Interactive

Mag-ate timbog sa P680K shabu

275

Kulungan ang bagsak ng mag-ate na nahulihan ng 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000 sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City, Sabado ng gabi.

Sa nakalap na ulat mula sa Eastern­ Police District, nakilala ang magkapatid na sina Jhanin Ericah Raga y Calderon, 21, at Edonah Calderon y Dela Cruz, 25, parehong nakatira sa Mariveles St., Brgy. Highway Hills.

Ayon sa ulat, may isang linggong minatyagan ng mga awtoridad ang magkapatid saka ikinasa ang buy-bust operation bandang alas-8:30 Sabado ng gabi sa Mariveles Street.
Nakakulong na ngayon ang magkapatid. (Vick Aquino)