Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-ate todas sa nagliyab na bahay

0 91

Patay ang magkapatid nang ma-trap sa nasunog nilang bahay sa Matahimik St., Barangay Malaya, Quezon City kahapon.

Kinilala ang biktimang sina Mariah Maxine Lee, 24, at Isabel Francesca Lee, 10-anyos.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog bago mag-alas-6:00 ng umaga. Naapula ito matapos ang nasa kalahating oras.

Ayon pa sa report, nagmula ang sunog sa mini bar sa ilalim ng hagdanan na ginawang storage area.

Hindi na nakababa ang magkapatid na nasa mezzanine nang mangyari ang insidente.

Napag-alaman na nakaligtas naman ang 66-anyos na ama at lalaking kapatid ng mga biktima. (Riz Dominguez/Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.